21K metric tons ng sibuyas, inangkat ng DA para sa holiday season

by Radyo La Verdad | December 5, 2023 (Tuesday) | 3149

METRO MANILA – Umangkat na ang Department of Agriculture (DA) ng 21,000 metriko tonelada ng sibuyas para maging tugon sa pagtaas ng demand sa papalapit na holiday season.

Ayon sa Bureau of Plant and Industry (BPI), inangkat ng DA ang nasa 17,000 metriko tonelada ng pulang sibuyas at 4,000 metric tons na yellow onions sa Cina, India at The Netherlands

Binigyang diin ng BPI na ang total volume ng sibuyas ay base sa pagkonsumo ng bawat Pilipino.

Inaasahang ngayong buwan, darating ang imported onions na magsisilbing buffer stocks upang mapanatili ang presyo ng sibuyas sa pag-aani mula buwan ng March hanggang Abril sa susunod na taon.

Sa kasalukuyan nasa P140 to P180 per kilo ang presyo ng pulang sibuyas at inaasahang bababa ito sa pagdating ng mga inangkat.

Kamakailan inilunsad ng kagawaran ang onion expansion program sa Tupi South Cotabato bilang strategic response para mapataas ang presyo ng kalakal sa Luzon sa nakaraang taon.

Inisyatibo ito ng poverty reduction livelihood and employment cluster ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa pakikipagtulungan ng Mindanao growers na mapataas ang produksyon at maiangat ang kabuhayan ng mga nagtatanim ng sibuyas.

Sinabi naman ni DA Assistant Secretary James Layug na nakatuon ang programa para labanan ang agricultural smuggling maging ang banta sa mga masasama ang loob na nakakaapekto sa local onion industry.

Tags: