Handa na ang Pilipinas sa hosting ng 31st ASEAN Summit na isa sa pinakamalaking international event ngayong taon.
Ayon sa Director General for Operations ng ASEAN 2017 na si Ambassador Marciano Paynor, dalawamput isang world leaders ang nagkumpirmang darating sa bansa sa susunod na buwan.
Kabilang na ang 10-ASEAN member states, walo mula sa East ASIA Summit, ang European Council President, Canadian Prime Minister at Secretary General ng United Nations.
Nasa limang bilateral meetings rin ang inaasahang haharapin ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ngunit hindi pa tiyak kung kabilang si U.S. President Donald Trump sa haharap sa bilateral meetings. Dahil dito, full alert status ang buong Metro Manila at kalapit probinsya na pagdadausan ng ASEAN Summit sa Nobyembre.
Tags: 2017 ASEAN Summit, Nobyembre, Pilipinas