Nakitaan ng paglabag ang karamihan sa 41 minahan sa bansa.
Dahil dito ay ipinasasara ng DENR ang 21 metal mines dahil nagdulot ito ng pinsala sa kalikasan at sa pamayanan.
4 sa mga ito ay mga minahan sa Zambales, 3 sa Homonhon Island sa Samar, 7 sa Dinagat Island at 7 sa Surigao del Norte.
Sinuspindi rin ng kagawaran ang 6 na minahan habang may 1 namang na hindi muna dinisisyunan.
Samantala 13 naman sa mga minahan ang pumasa sa operasyon ng pagmimina.
Ayon kay Sec. Gina Lopez, 15 sa mga ipinasasarang minahan ay nasa mga watershed kung saan ipinagbabawal ang pagmimina.
Pinaplano na ngayon ng DENR ang gagawin nitong rehabilitasyon sa mga sinira ng minahan.
(Rey Pelayo / UNTV Correspondent)