21 gamot para sa iba’t ibang karamdaman, tinanggalan ng VAT — BIR

by Radyo La Verdad | February 1, 2024 (Thursday) | 500

METRO MANILA – Hindi na kasama sa papatawan ng Value Added Tax (VAT) ang 21 gamot para sa mga sakit na cancer, diabetes, hypertension, kidney disease, mental illness, at tuberculosis

Ito ay matapos ilabas ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo Lumagui Jr. ang Revenue Memorandum Circular No. 17-2024 na nag-aalis ng VAT sa ilang mga gamot para sa mga nabanggit na karamdaman na kalimitan ay dinaranas ng mga Pilipino.

Ang naturang circular ay tugon sa liham ng Food and Drug Administration (FDA) at ng Department Of Health (DOH) hinggil sa listahan ng VAT-exempt products sa ilalim ng Republic Act No. 10963 at 11534

Ayon sa BIR, ang hakabang na ito ay handog sa Bagong Pilipinas, para sa mabilis na serbisyong maasahan.

Malugod namang tinanggap ng DOH ang desisyon ng bir na alisin ang buwis ng ilang gamot.

Ayon sa kagawaran ng kalusugan, malaking tulong na mapababa ang presyo ng mga gamot para sa mga kapwa Pilipinong may sakit, lalo na ang mga mahihirap.

(Gladys Toabi | UNTV News)