21 CALABARZON Police, inilipat ng destino sa Mindanao

by Radyo La Verdad | February 2, 2017 (Thursday) | 1055


Sinimulan na ng pamunuan ng Philippine National Police-CALABARZON ang paglilipat ng destino sa ilan nilang mga tauhan na nasangkot sa iba’t-ibang kaso.

Alinsunod ito sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte na dalhin sa Mindanao ang mga tiwaling pulis, partikular na sa mga teritoryo ng teroristang Abu Sayyaf.

Ayon kay CALABARZON PIO Chief Police Supt Chitadel Gaoiran, dalawamput isang tauhan ng PRO4A ang naipadala na sa Mindanao; 8 sa mga ito ang napunta sa Zamboanga Peninsula at Northern Mindanao at lima naman ang dinala sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Hindi na idinetalye ng PRO4A ang pangalan ng mga nasabing pulis na kinabibilangan umano ng ilang opisyal.

Masusundan pa umano ang nasabing hakbang habang isinasagawa ang internal cleansing sa hanay ng pambansang pulisya.

(Sherwin Culubong / UNTV Correspondent)

Tags: ,