Ininspeksyon ngayong araw ng Bureau of Fire Protection at Philippine National Police ang dalawampu’t isang bagong tayong tindahan ng paputok sa itinalagang lugar sa bayan ng Talavera sa Nueva Ecija.
Bawat stall ay isa-isang tinignan kung may kaukulang permiso galing sa munisipyo at certificate of training mula sa Camp Crame.
Bagamat pasado naman ang mga tindahan sa itinakdang safety standards, mahigpit pa ring babantayan ng BFP ang mga ito.
Samantala, nangangamba naman ang ilan sa fireworks vendor na baka hindi sila kumita ng maganda ngayong taon dahil sa iwas paputok campaign ng pamahalaan.
( Danny Munar / UNTV Correspondent )
Tags: Nueva Ecija, paputok, PNP at BFP