20th hot air balloon festival, sisimulan na ngayong araw

by Radyo La Verdad | February 11, 2016 (Thursday) | 1054

balloons
Pasisimulan na ngayong araw ang ika-20 Hot Air Balloon Festival sa Philippine Air Force ADAC Hangar, M.A. Roxas Highway sa Clark Freeport Zone, Pampanga.

Pinasimulan ng Clark Development Corporation ang balloon festival noong 1993 upang pasiglahin ang matamlay na turismo sa probinsya.

Ngayong taon, batay sa pagtaya ng Department of Tourism, aabot sa mahigit dalawampung libong local at foreign tourists ang dadayo sa Pampanga upang saksihan ang yearly event na ito na tatagal hanggang February 14.

Pinaka-inaabangan sa festival ang mga traditional at special-shaped hot air balloons mula sa Europe, US at Asia.

Tampok din dito ang iba’t ibang flying exhibitions gaya ng skydiving, motorized paragliding, aerobatics, formation flying, radio-controlled model flights, kite-flying, at roc­ketry.

Habang ini-enjoy ang makukulay at naglalakihang balloons ay maari ring mag-bonding ang magpapamilya at magbabarkada at magpalipad ng kani-kanilang saranggola.

Leslie Huidem/ UNTV News

Tags: