METRO MANILA – Duda ang Ibon foundation sa mga plano at daang tinatahak ng pamahalaan para sa inaasam na pag-unlad ng bansa at pagbuti ng buhay ng mamamayang Pilipino.
Ayon kay Ibon foundation Executive Director Sonny Africa, sa gitna ng bumabangong ekonomiya ng bansa ay mas kinakailangan ngayon ang agarang aksyon ng pamahalaan.
Pangunahin na dito ang pagbibigay ng ayuda lalo sa mga pinaka mahihirap na Pilipino na nagawa na rin naman ng pamahalaan noong kasagsagan ng pandemya.
Paliwanag pa ng Ibon foundation, dahil may mekanismo na ang pamahalaan sa pamamahagi ng ayuda, mayroon na itong paraan para matukoy ang nasa 20M pinaka mahihirap na pamilya sa bansa. Kabilang dito ang mga kumikita lang ng minimum wage.
Kumpyansa naman ang grupo na kayang maglaan ng pamahalaan ng pondo para rito.
Gaya na lang ng paglalaan ng ibang pondo sa imprastraktura at iba pang proyekto at ang pagpapataw ng billionnaire wealth tax.
Ngunit para sa ilang ordinaryong mamamayan, napapanahon itong gawin ng pamahalaan.
Una nang ipinanukala ni Sen. Alan Peter Cayetano ang pagbibigay ng P10,000 sa bawat pamilya. Una niya itong ifinile noong 18th Congress ngunit hindi naaprubahan .
(Asher Cadapan Jr. | UNTV News)
Tags: Ibon Foundation, P10K