Umabot sa mahigit apat na libong indibidwal ang nagsama-sama upang bumuo ng human blood drop formation na isinagawa ng Philippine Blood Center.
Sinasabing mas marami ang participants nito kumpara sa largest human blood drop formation na naitala sa South Korea noong 2012 na may mahigit 3-libong participants lamang.
Tumagal ng ilang minuto ang human blood drop formation kanina na kinabibilangan ng mga estudyante, guro, doktor at barangay officials.
Ayon sa Quezon City Health Office, layunin nito na bigyan ng malawak na kamalayan ang mga mamamayan sa kahalagahan ng boluntaryong pagbibigay ng ligtas na dugo.
Kasabay nito nagsagawa rin ang grupo ng blood donation upang matugunan ang sinasabing kakulangan sa supply nito.
Tinatayang aabot sa 2500-3000 units ng dugo ang kinakailangan araw-araw upang mapunan ang kabuuang pangangailangan ng bansa sa dugo.
Ang pagbibigay ng dugo ng isang blood donor ay maaaring makatutulong sa pagsalba ng buhay ng hanggang 3 tao.
(Grace Casin / UNTV Correspondent)
Tags: human blood drop formation, Mahigit apat na libong participant, Philippine Blood Center