Mga mamamayan ng Australia, pinagiingat laban sa parecho virus na lumalabas sa panahon ng tag-init

by Radyo La Verdad | March 18, 2016 (Friday) | 1158

Center-for-Children’s-Health-Research
Umabot sa 280 na katao ang naging biktima ng parecho virus outbreak sa Queensland Australia nitong nakaraang summer season sa bansa.

Ang karamihan sa mga biktima ay mga new born babies hanggang edad 3 buwan.

Ang parecho virus ay nagpasimulang kumalat sa Australia taong 2013.

Ilan sa naging biktimang sanggol ay naapektuhan ang kanilang liver at kidney hanggang umabot sa pagkakaroon ng brain damage o kamatayan.

Ayon sa Center for Children’s Health Research o CCHR, ito ay nakakahawa sa pamamagitan ng respiratory droplets o laway at dumi ng tao subalit maaaring maiwasan.

Ang karaniwang sintomas ng virus ay rashes, irritability, walang ganang kumain at nanghihina, mataas na temperatura ng katawan at diarrhea.

Sa kasalukuyan ay wala pa rin lunas ang parecho virus at wala pa rin available na vaccine sa bansa.

(Nina Bascon/UNTV NEWS)

Tags: ,