Wala pang pag-uusap hanggang sa kasalukuyan ang pamahalaang Pilipinas sa Bangladesh kaugnay ng 81 million dollar-money laundering scheme.
Ayon kay Department of Foreign Affairs Spokesman Charles Jose, sa ngayon ang tanging hiniling ng bangladesh embassy sa kanila ay ang asistihan sila upang makadalo sa imbestigasyon ng Senado sa money laundering issue.
Ngunit hindi pa makapagbigay ng detalye ang DFA kung sinong mga opisyal mula sa Bangladesh ang posibleng dumalo sa Senate investigation.
(Nel Maribojoc / UNTV Correspondent)
Tags: DFA, money laundering issue, Pamahalaang Pilipinas at Bangladesh