Maayos at wastong paglalaan ng pondo sa mga barangay kontra korapsyon, tinalakay sa isang LGU conference sa Pampanga

by Radyo La Verdad | March 17, 2016 (Thursday) | 3002

JOSHUA_CONFERENCE
Sinimulan na ang tatlong araw na 10th Luzon Geographical Conference ng Philippine Association of Local Government Accountants.

Layon ng pagtitipon na may temang “commitment: key towards enhancing LGU fiscal administration” na talakayin ang wastong paggamit ng pondo sa bawat lokal na pamahalaan.

Ayon kay Senator Cynthia Villar na panauhing pandangal ng pulong, mahalaga ang papel ng mga kapitan ng barangay, sekretarya at treasurer upang mailaan ng tama ang pondo sa iba’t ibang mahahalagang proyekto sa kanilang lugar.

Sinabi rin ni Villar na malaki ang inilalaang pondo sa mga barangay kaya’t upang maiwasan ang isyu ng korapsyon, dapat transparent ang pag-uulat sa kung saan napunta at paano ginasta ang pera ng bayan.

Dapat ring tiyakin na tama ang paraan ng pangongolekta ng buwis at mapupunta ito sa mga proyektong mapapakinabangan ng taumbayan.

Bukod sa fiscal management, may values orientation ring isasagawa para sa tamang pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Tatagal hanggang sa sabado ang pagpupulong na dinadaluhan ng public accountants at mga opisyal ng lokal na pamahalaan.

(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,