Libu-libo nagprotesta sa harap ng presidential palace sa Brazil

by Radyo La Verdad | March 17, 2016 (Thursday) | 3382
Protesta sa harap ng presidential palace sa Brazil(REUTERS)
Protesta sa harap ng presidential palace sa Brazil(REUTERS)

Libu-libong mamamayan ng Brazil ang nagprotesta sa harap sa presidential palace.

Ito’y kasunod ng pagtatalaga ni President Dilma Rousseff kay Luiz Inacio Lula Da Silva bilang chief of staff.

Ayon sa mga pulis mahigit dalawampung libong demonstrador ang nagtungo sa brasilia presidential palace habang ang ilan naman ay nagpunta sa main avenue paulista sa Sao Paulo.

Una rito ay kinasuhan ng state prosecutors ng money laundering at fraud si Lula at ipinagutos ang kanyang agarang pag aresto

Ayon sa oposisyon ang appointment ay isinagawa upang maligtas ang pangulo ng bansa sa impeachment proceedings.

Ang impeachment efforts laban kay Rousseff ay kasunod ng akusasyon ng paggamit umano nito sa pera ng gobyerno sa kanyang 2014 re-election campaign.

Tags: , ,