24 pamilyang nakatira sa danger zones sa Masbate, inilipat sa itinayong core shelter ng DSWD

by Radyo La Verdad | March 17, 2016 (Thursday) | 4435

DSWD
Dalawampu’t apat na pamilyang nakatira sa danger zone sa bayan ng Aroroy ang inilipat ng Department of Social Welfare and Development o DSWD sa itinayong typhoon-resilient core shelters.

Layon nitong mailigtas ang mga residente na lantad sa panganib ng baha at landslide sa tuwing masama ang lagay ng panahon.

Bukod sa libreng pabahay, may libreng livelihood at values formation program pang ipinatupad ang DSWD.

(Gerry Galicia/UNTV NEWS)

Tags: