Operasyon ng Bureau of Customs sa Cebu, gagawing 24/7

by Radyo La Verdad | March 17, 2016 (Thursday) | 1471

boc
Simula ngayong linggo ay magiging bente kwatro oras na ang operasyon ng Bureau of Customs sa Cebu.

Ayon kay Customs Commissioner Alberto Lina, layon nitong mabawasan ang abala na maaaring idulot sa business sector ng pagsasara ng Mandaue-Mactan Bridge na isasailalim sa repair ngayong Abril.

Sa ilalim ng bagong schedule, maaari nang magproseso ng applications para sa entry cargo at iba pang shipment upang mailabas ito anumang oras nang maiwasan ang pagka-delay.

Paalala naman ng Customs sa mga magsasagawa ng transaksyon na siguruhing kumpleto at wasto ang mga dokumento upang huwag masampahan ng reklamo.

(Gladys Toabi/UNTV NEWS)

Tags: