Patuloy ang pagpapaalala ng pamahalaan sa mamamayan ukol sa wastong pagrerecycle ng basura.
Sa huli kasi tayo rin ang mahihirapan kapag ang kapaligiran ay napinsala ng polusyon.
Kahapon, pinangunahan ng Metro Manila Development Authority, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, DENR- NCR at Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance ang clean-up activity sa Baseco.
Ayon sa kanila balewala ang programa ng pamahalaan kung hindi naman makikiisa ang mamamayan.
Paalaala ng National government, huwag itapon kung saan-saan ang basura.
Katwiran noon ng mga residente sa baranggay 649 ng Baseco, hindi maayos ang kalsada kaya walang nakapapasok na dump truck upang mahakot ng gabundok na basura.
Ngunit ngayon sementado na ang kalsada rito at nilagyan na rin ng container na paglalagyan ng nabubulok at di nabubulok na basura.
Ang mga lugar na pinagtatapunan nila ng basura ay tinataniman na ng mangrove o bakawan na malaking tulong laban sa storm surges o malalaking alon tuwing bagyo.
May livelihood program na rin ang bfar sa manila bay na malapit sa Baseco
Ang clean-up activity sa Baseco ay kaalinsabay ng pagdiriwang ng World Water Day na may temang “better water, better jobs”.
(Bryan de Paz/UNTV NEWS)
Tags: clean-up activity, Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com