Madalas na laman ng mga balita sa radio, telebisyon at dyaryo ang iba’t-ibang uri ng krimen tulad ng nakanawan, carnapping, hold-up, snatching at iba pa.
Sa datos ng Philippine National Police, simula January 1, hanggang March 15 2016, nasa mahigit tatlong libong mga kaso ng pagnanakaw, carnapping at motornapping ang naitala dito pa lamang sa Metro Manila.
Bunsod nito, inilunsad ng Philippine National Police ang Bantay-Krimen mobile application na makatutulong sa crime awareness at sa mas mabilis na pag-uulat ng mga crime incidents sa mga police station.
Sa tulong nito, malalaman ng isang mobile user ang mga lugar kung saan laganap ang krimen, batay sa mga naka-save na blotter report dito.
Kinakailangan lamang na i-on ang hotspot notification at ang GPS upang matukoy ang mga spesipikong lugar o crime prone areas.
Maari ding bukasan ang sound o vibration ng application, upang ma-notify ang user kung siya ay malapit o malayo sa lugar ng isang krimen.
Dapat ding tiyakin na may internet connection ang isang gadget upang ma-access ito.
Kung wala namang internet ay maari pa rin namang magamit ang crime mapping ng application.
Makikita sa app ang contact numbers ng iba’t-ibang police stations sa National Capital Region.
Ang Bantay-Krimen app, ay dinevelop ng PNP-Directorate for Investigation and Fetective Management katuwang ang University of Cordilleras na maari ng i-download ng mga android phone user, at available pa lamang sa Metro Manila.
Hinikayat naman ni Chief PNP Ricardo Marquez ang publiko na gamitin ang app.
Sa ngayon ay patuloy ang ginagawang pag-dedevelop sa nasabing app, at inaasahang magiging available rin sa mga ios user at para sa mas malawak na sakop ng reporting ng mga crime incident.
(Joan Nano/UNTV NEWS)
Tags: Bantay-Krimen mobile application, Chief PNP Ricardo Marquez