Epektibo na simula kahapon ang 72-hour notice ng Department of Environment and Natural Resources para sa lahat ng mga kandidato sa Cebu.
Sa loob ng tatlong araw, kailangang alisin ng mga kandidato ang kani-kanilang campaign materials na ipinaskil sa mga puno.
Alinsunod ito sa Republic Act Number 3571 na nagbabawal sa paglalagay ng anumang bagay na maaaring makasira sa mga puno at halaman.
Ngayong panahon ng pangangampanya, naglipana ang campaigan materials sa mga kalsada na ikinabit pa sa mga puno at mga kawad ng kuryente kaya dodoblehin ng DENR ang kanilang pagbabantay.
Nakikipagtulungan na rin ang kagawaran sa environmental lawyers para sa pagsampa ng reklamo sa mga lumalabag sa batas hinggil sa environment and natural resources pati na sa mga regulasyong ipinatutupad ng commission on elections.
(Gladys Toabi/UNTV NEWS)