Pag-amyenda sa Anti-Money Laundering Law, mas mabuting ipaubaya sa susunod na Kongreso

by Radyo La Verdad | March 17, 2016 (Thursday) | 4733

CONGRESS
Isa sa layunin ng isinagawang imbestigasyon ng Senado nitong Martes sa umano’y iligal na pagpapasok ng malaking halaga ng pera sa bansa ang mga posibleng butas sa batas sa money laundering.

Batay isinagawang pagdinig kahapon, lumalabas na hindi na matukoy ng AMLA Council kung saan napunta ang umano’y laundered money matapos itong dalhin sa tatlong casino pagka-withdraw sa RCBC Jupiter Branch.

Ayon sa AMLA hindi nila maaring habulin ang mga casino dahi wala sila sa hurisdiksyon nito.

Ngunit ayon sa Malacanang, imposible nang maamyendahan sa ngayon ang AMLA.

Kaya naman nais ng ilan Senador na maging parte ng planong pag amyenda ang pagsama sa mga casino sa mga irerequire na magreport sa kanila ng mga kahinahinalang transaksyon.

Umaasa naman ang Malakanyang na sa kabila ng mga ginagawang imbestigasyon ng Senado ay mapapanatili ang integridad ng banking system ng Pilipinas.

Paliwanag ni Presidential Communications Operation Office Sonny Coloma Jr., may mga sinusunod na patakaran sa buong mundo hinggil sa integridad ng mga financial at banking transactions.

Isa rin sa ipinapanukala ng ilang Senador ay tignan rin ang mga dapat pang amyendahan sa Bank Secrecy Law na ayon sa mga ito kadalasang nagiging dahilan kung bakit nakakalusot ang money laundering sa bansa.

Sakali namang matuloy sa mga susunod na kongreso ang pag-amyenda sa naturang batas, umaasa ang Palasyo na kabilang din sa muling pag-aaralan ng mga mambatas ang Bank Secrecy Law na kadalasang nagiging dahilan kung bakit nakakalusot ang money laundering sa bansa.

(Darlene Basingan/UNTV NEWS)

Tags: ,