Patuloy na ang ginagawang paghahanda ng Commission on Elections para sa gaganaping national elections sa buwan ng Mayo.
Bukod sa pag-aayos sa Vote Counting Machines at listahan ng mga rehistradong botante, sinimulan na rin ng komisyon ang pagsasanay sa mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors sa Mayo.
Sa Bataan, isang libo at limandaang guro ang sumailalim sa training sa paggamit ng voting at counting machines.
Ayon sa COMELEC, tatanggap ng isang libong pisong allowance kada araw ang bawat guro na sasalang sa ilan araw na training.
Tiwala naman ang COMELEC sa accuracy ng mga makinang gagamitin sa halalan at mas madali itong gamitin.
Mahigit sa apat naraang libo ang voting population sa probinsya ng bataan at nasa pitongdaang clustered precinct ang kailangan bantayan ng mga BEI.
(Joshua Antonio / UNTV Correspondent)
Tags: election inspector, May 2016 polls, Mga guro, training ng paggamit, VCM