Hindi pulis ang nanampal ng motorista sa Maynila sa viral video – PNP

by Radyo La Verdad | March 16, 2016 (Wednesday) | 2267

WILBEN-MAYOR
Pinabulaanan ng Philippine National Police na tauhan nila ang lalaking nanampal ng motorista sa Maynila na nakunan ng kumakalat ngayong video sa social media.

Ayon kay PNP PIO Chief P/CSupt. Wilben Mayor, ito ang resulta ng isinagawang imbestigasyon ng Anti-Cybercrime Group, Highway Patrol Group at pag-verify nila sa Directorate for Personnel Records and Management o DPRM.

Base sa nakuha nilang impormasyon sa Land Transportation Office sa sasakyang ginamit ng suspek na puting mitsubishi adventure na may plakang UEQ 399, pagmamay-ari ito ng isang Mary Grace Santos at asawa ng nagpanggap na pulis na si Gaylord Santos.

Bukod pa ito sa hindi tamang pagsusuot nito ng patrol uniform kung saan naka-tuck out ang pang-itaas na damit at walang pistol belt.

Kaugnay nito, ipinag-utos na ng PNP sa Las Pinas Police ang malalimang imbestigasyon upang masampahan ng karampatang kaso si Santos.

Hinikayat din ng Heneral ang biktima ni Santos na lumutang at magsampa ng reklamo laban sa suspek.

Babala ng pamunuan ng PNP sa patuloy na umaabuso sa kanilang uniporme maaari silang makasuhan at makulong dahil sa kasong usurpation of authority.

(Lea Ylagan/UNTV NEWS)

Tags: , ,