Mga maliliit na negosyante, hinimok na maging malikhain at gumawa ng produkto mula sa recyclable materials

by Radyo La Verdad | March 16, 2016 (Wednesday) | 1741

SEN-CYNTHIA-VILLAR
Maging malikhain at mapagmalasakit sa kapwa at kapaligiran.

Ito ang naging payo ni Senate Committee on Agriculture and Food Chairperson Cynthia Villar sa mga maliliit na negosyante na nagtipon para sa pagdiriwang ng 43rd Annual Representative Assembly of People’s Multi-Purpose Coop sa Cebu.

Ayon kay Sen. Villar, lahat ng malalaking negosyo ay nagsimula sa maliit kaya hindi dapat mawalan ng loob at inspirasyon ang mga kababayan nating small at medium entrepreneurs.

Ayon kay Villar, malaking porsyento ng mga negosyo sa bansa ay micro at medium enterprise na malaking tulong sa paglikha ng trabaho.

Hinimok rin ng Senador ang mga negosyante sa Regions 7 at 8 na mag-isip ng mga bagong produkto gamit ang recyclable materials upang mabawasan ang problema sa basura at baha.

Sa pamamagitan nito ay kikita sila habang nakakatulong sa kapaligiran at kapwa.

Inihalimbawa pa ni Villar ang mga water lily sa ilog na dati’y sanhi ng baha ngunit ngayon ay nagagamit na nila sa paggawa ng mga bag at iba pang produkto.

(Gladys Toabi/UNTV NEWS)

Tags: