Grupong Kontra Daya, nanawagan sa Comelec na sundin ang desisyon ng Korte Suprema na mag imprenta ng voter’s receipt

by Radyo La Verdad | March 16, 2016 (Wednesday) | 1447

KONTRA-DAYA
Natungo sa harap ng tanggapan ng Commission on Elections ang grupong Kontra Daya upang hilingin sa Comelec na ipatupad ang utos ng Korte Suprema na mag imprenta ng voter’s receipt sa eleksiyon.

Bunsod ito ng pahayag ng Comelec na gahol sa na sa panahon na ipatupad ang atas ng Korte Suprema ng magbigay ng resibo sa mga botante.

Ayon kay Danilo Arao, Convenor ng grupo, noong pang 2010 at 2013 elections ay hindi na sinusunod ng Comelec ang probisyon sa automated election law na dapat ay mayroong Voter Verified Paper Audit Trail o VVPAT ang automated election system.

Ayon pa sa Kontra Daya, hindi dapat na magbanta ang Comelec ng failure of elections kung ipipilit na ipatupad ng Supreme Court decision na mag-imprenta ng voter’s receipt.

Nauna nang sinabi ng Comelec na kung hindi babaguhin ang Supreme Court decision ay maaaring ipagpaliban nito ang election na nakatakda sa May 9 o magbalik na lamang sa mano-mano ang halalan.

Ngunit para kay Senate President Franklin Drilon, hindi magagawa ng poll body ang mag postpone ng halalan kahit na bumalik sa manual elections.

Umaasa naman si Bautista na mareresolba na sa lalong madaling panahon ang isyu kaugnay sa pag imprenta ng resibo upang magkaroon na ng malinaw na direksyon ang Comelec sa sistemang gagamitin sa eleksiyon.

(Victor Cosare/UNTV NEWS)

Tags: