Hiling na TRO sa implementasyon ng K to 12 program, hindi pinagbigyan ng Korte Suprema

by Radyo La Verdad | March 15, 2016 (Tuesday) | 5441

SUPREME-COURT
Hindi pinagbigyan ng Korte Suprema ang hiling na magpalabas ng Temporary Restraining Order upang mapigilan ang pagpapatupad sa K to 12 basic education program.

Bunsod nito ay magpapatuloy ang pagpapatupad sa K to 12 habang nireresolba ng Korte Suprema ang anim na mga petisyon laban sa naturang programa.

Kinukwestyon ng iba’t ibang grupo ang K to 12 program dahil sa umano’y labag sa saligang batas ang pagpapatupad nito dahil hindi nagkaroon ng sapat na konsultasyon sa mga magulang at mag-aaral bago ito naisabatas.

Kabilang sa mga nagpetisyon laban dito sina Senador Antonio Trillanes The Fourth at si ACT Teachers Partylist Representative Antonio Tinio.

(Roderic Mendoza / UNTV Correspondent)

Tags: , ,