Pangasinan governor, kinasuhan sa Sandiganbayan dahil sa pagbibigay ng mining permit sa isang protected area sa Lingayen gulf

by Radyo La Verdad | March 15, 2016 (Tuesday) | 2024

SANDIGAN-BAYAN
Kinasuhan na ng Ombudsman ang ilang matataas na opisyal ng lokal pamahalaan ng Pangasinan province dahil sa umano’y pagbibigay ng mining permit sa isang protected area sa Lingayen gulf, Pangasinan.

2 counts ng graft ang isinampa laban sa kasalukuyang governor ng Pangasinan na si Amado Espino Jr., provincial administrator na Rafael Baraan at members ng board of directors ng Alexandra Mining and Oil Ventures Inc. at Xypher Builders Inc.

Ayon sa impormasyon ng kaso, taong 2011 nang ginamit aniya ng mga opisyal ang kanilang mga posisyon upang magbigay pabor sa dalawang kumpanya ito para magmina sa Lingayen gulf.

Hindi aniya accredited at rehistrado ang mga nasabing kumpanya sa Philippine Contractors Accreditation Board at walang nakuhang mining permit sa Mines and Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources.

Sa kaso ng Xypher Builders, nalugi pa aniya ang gobyerno ng 10.7 million dahil sa nabenta nito sa China na minerals na galing sa pagmimina.

Sa ngayon ay itatakda pa ng sandiganbayan ang pagraffle ng kaso sa pitong divisions nito.

30 thousand pesos kada count ng graft ang nirerekomendang piyansa sa bawat akusado sa kaso.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,