Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, kakasuhan na sa Sandiganbayan ng graft at reckless imprudence resulting to homicide and physical injury

by Radyo La Verdad | March 15, 2016 (Tuesday) | 2871

DARLENE_GATCHALIAN
Nakahanap na ng probable cause o sapat na basehan ang Office of the Ombudsman para sampahan ng kaso si Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian at pito pang ibang akusado sa Sandiganbayan.

Ayon sa Ombudsman, multiple counts of graft at reckless imprudence resulting to homicide and mulitple injury isasampa nila kay Gatchalian at iba pa dahil sa nangyaring Kentex fire tragedy noong nakaraang taon na ikinamatay ng 74 na manggagawa ng pabrika.

Napagalaman ng Ombudsman na nag-isyu ang city officials ng business permit at fire safety inspection certification sa Kentex kahit hindi ito pasado sa safety standards sa ilalim ng fire code.

Kabilang na diyan ang kawalan ng wet standpipe system, extinguishers, automatic fire alarm and sprinkler system at fire ext drills para sa mga manggawa

Maliban kay Gatchalian, kakasuhan din ng 2 opsiyal mula sa Business Permits and Licensing Office (BPO), apat na opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) at ang may ari ng Kentex Manufacturing Corp. na si Ong King Guan.

Ipinagutos na rin ng Ombudsman ang dismissal at perpetual disqualification from office ni Gatchalian at iba pang respondents.

Binigyan naman ng anti graft agency ng sapat na panahon ang mga akusado upang maghain ng motion for reconsideration sa resolusyon bago magsampa ng kaso sa Sandiganbayan.

(Joyce Balancio / UNTV Correspondent)

Tags: , , ,