Magpapatupad ng dagdag singil sa tubig ang Maynilad simula Abril a-uno dahil sa pagtaas ng Foreign Currency Differenctial Adjustment o FCDA.
Ang FCDA ay isang tariff mechanism para marecover ng mga utility companies ang kanilang lugi dahil sa pagbaba ng halaga ng piso.
Kinse sentimos ang madaragdag sa bill kada buwan ng mga kumukonsumo ng 10 cubic meters pababa, singkwenta’y siyete sentimos naman sa komukonsumo ng 20 cubic meters kada buwan habang piso at labing pitong sentimos naman sa 30 cubic meters.
Samantala ang Manila Water naman ay magpapatupad ng labing isang sentimos na dagdag singil sa kada cubic meter.