Isang necrological service ang isasagawa sa Senado ngayon araw bilang pagkilala sa mga nagawa ng pumanaw na si dating Senate President Jovito Salonga.
Alas-dies ng umaga isasagawa ang tribute na pangungunahan ni Senate President Franklin Drilon at Senate Secretary Oscar Yabes.
Sa advisory ng Senado, alas nueve singkwenta ng umaga dadalhin sa Senado ang labi ng nubenta’y singko-anyos na dating Senador kasama ang pamilya nito.
Magkakaroon naman ng public viewing sa labi ni Salonga bandang alas-onse y medya ng umaga.
Kabilang sa mga magbibigay ng eulogy sina Senator Drilon, Serge Osmeña at Loren Legarda at mga dating senador na sina Edgardo Angara, Rene Saguisag, Leticia Ramos-Shahani at Wilberto Tañada.
(Bryan de Paz/UNTV NEWS)
Tags: dating Senate President Jovito Salonga, Necrological service