Nilagdaan noong nakaraang Byernes ng hapon ang memorandum of agreement sa pagitan ng Mindoro Grid Corporation o MGC na isang start up energy supply company at ng distribution company na Davao del Norte Cooperative o DANECO na syang nagdi-distribute ng kuryente sa Island Garden City of Samal o IGACOS.
Sa pamamagitan ng kasunduan ay inaasahang madaragdagan na ang supply ng kuryente sa Isla na maaaring makatulong sa pag-unlad ng lungsod ng Samal.
Sa kasalukuyan ay isang submarine cable lamang ang ginagamit upang maghatid ng supply ng kuryente sa Isla ngunit nasisira na ito dahil sa bigat ng demand sa konsumo.
Siniguro naman ng Mindoro grid na sa pamamagitan ng kasunduan ay maihahatid sa mga stakeholder at mga residente ang energy demand sa lugar.
Ang Mindoro Grid ay isang start up power company na may dalawang major operating plants sa Mindoro.
Naniniwala rin ang power distribution company na Davao del Norte Electric Cooperative o DANECO na mareresolba ang suliranin sa kakulangan ng kuryente sa Mindanao.
Sa kasalukuyan ay umaabot na sa 7 hanggang 8 megawatts ang demand sa supply ng kuryente sa isla ng Samal at posibleng madagdagan pa ito kapag nag-operate na ang malalaking subdivision at resorts sa isla sa mga susunod na araw.
Inaasahang magsisimula ang operasyon pagkatapos na maisa-pinal ang technicalities sa pagitan ng energy supplier at ng distribution company.
(Joeie Domingo/UNTV NEWS)
Tags: avao del Norte Electric Cooperative, Island Garden City