P54 billion na coco levy fund, di pa rin naipapamahagi ayon sa mga Coco farmers

by Radyo La Verdad | March 15, 2016 (Tuesday) | 1398

COCO
Naiinip na ang mga magniniyog dahil hanggang ngayon hindi pa rin nila napapakinabangan ang 54-billion pesos coco levy fund.

Ayon kay Coconut Farmers of the Philippines National Chairman Efren Villaseñor malaki na ang nalulugi sa mga magniniyog.

Sa ngayon 7-piso kada kilo lang ang kinikita ng mga magniniyog sa isang araw kaya kung kukuwentahin umaabot lamang sa sampung libong piso sa bawat ektaryang niyugan ang kanilang kinikita sa loob ng isang taon.

Dalawang Executive Order na ang inilabas ng Malakanyang para sa mga panuntunan sa paggamit ng coco levy fund.

Ngunit pinigil ng Korte Suprema ang pagpapatupad nito sa pamamagitan ng isang TRO.

Kasalukuyang nakabinbin sa dalawang kapulungan ng kongreso ang panukalang-batas na naglalayong ipamahagi ang pondo na isinumite mismo ng mga magniniyog.

Umaasa ang grupo na bibigyan ito ng prayoridad ng susunod na mahahalal na Pangulo ng bansa.

(Grace Casin/UNTV NEWS)

Tags: