Isang International Maritime Judicial Centre, balak buoin ng China

by Radyo La Verdad | March 15, 2016 (Tuesday) | 1655

Nasizhou-Qiang
Maglalagay ng International Maritime Judicial Centre ang China upang mapangalagaan ang kanilang maritime rights, interes at kasarinlan.

Ayon sa Chief Justice ng China na si Nasizhou Qiang, nagsama-sama ang mga korte sa China upang maipatupad ang isang pambansang istratehiya na gawing maritime power ang China.

Wala namang detalye at hindi pa malinaw kung saan at kailan magsisimula ang operasyon ng naturang korte at kung anu-anong uri ng kaso ang tatanggapin nito.

Sinabi naman ng tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs ng bansa na si Assistant Secretary Charles Jose na kinakailangang makakuha muna ng detalye at mapag-aralan itong mabuti bago makapagbigay ng komento kaugnay ng planong China.

Samantala, sa gitna ng mainit na territorial dispute ay dumaong sa bansa ang ilang barkong pandigmang Amerika.

Dumating ang Los Angeles class submarine na USS Charlotte sa Subic Bay Free Port sa Zambales at may lulang mahigit sa 100 crew.

Ang USS Antietam naman na isang Ticonderoga Class Guided Missile Cruiser ay dumaong sa Manila Bay noong nakalipas na linggo.

Bahagi ito ng USS John C. Stennis Strike Group na nagsagawa ng aid mission sa Pilipinas matapos manalasa ang bagyong yolanda noong November 2013.

Ngunit ayon sa Armed Forces of the Philippines, bahagi lamang ng routine port visit ang pagdating ng ilang warship ng Amerika at wala itong kaugnayan sa agawanng teritoryo sa West Philippine Sea.

Iginiitrinng US Embassy sa Maynila na bahagi lamang ng routine port visit, maintenance at crew rest ang pagdaong sa bansa ng dalawang malalakas na barko.

(Rosalie Coz/UNTV NEWS)

Tags: , ,