Meat smuggling, iimbestigahan ng Senado bukas

by Radyo La Verdad | March 14, 2016 (Monday) | 7551

KARNE-NG-BABOY
Ibinunyag ng Samahang Industriya ng Agrikultura o SINAG na hindi lamang sa bigas kundi maging ang smuggling sa karne ang talamak sa bansa.

Ayon sa SINAG mas tumaas ang meat smuggling sa Aquino government kumpara sa nakaraang administrasyon.

Mula 2010 hanggang 2014 sa administrasyon ni Pangulong Aquino umabot nasa 202,936 metriko tonelada o may market value na 35.51 billion pesos.

Hanggang nito namang June 2015 pumalo sa 32 thousand metric tons o may market value na 5.6 bilion pesos.

Kumpara ito sa umano’y nangyaring meat smuggling sa ilalim ng Arroyo administration mula 2005 hanggang 2009 na may 106,092 metric tons o 18.56 billion market value.

Pinahaharap bukas sa Senado sina Comm. Alberto Lina ng Bureau of Customs, USec. Jose Reano ng Department of Agriculture at ASec. Minda Manantan ang Asst. Director ng National Meat Inspection Service.

Haharap din sa hearing ang iba pang sanghay ng pamahalaan at meat importers and traders association

Ayon kay Senador Gregorio Honasan II na miyembro ng Senate Committee on Agriculture and Food in aid of Legislation ang ipinatawag na hearing.

Ayon naman kay Senador Cynthia Villar na Chairperson ng komite, pirma na lang ni Pangulong Benigno Aquino III ang hinihintay ng mga agricultural bills upang maisabatas.

Dagdag ni Villar, sa ilalim ng Senate Bill No. 2923 o ang Anti Large-Scale Agricultural Smuggling Act, ang halaga ng smuggled agricultural product upang maging economic sabotage ay hindi bababa sa P10 million para sa bigas at P1 million o higit pa sa mga produktong pang agrikultura gaya ng asukal, mais, baboy, manok, bawang, sibuyas, carrot, isda at ang tinatawag na cruciferous vegetables.

Makukulong ng habambuhay at pagmumultahin ng dalawang ulit na halaga ng smuggled agricultural product at ng aggregate amount ng buwis, duties at iba pang charges, ang mga lalabag dito.

Ayon naman kay Honasan malaki ang epekto kung hindi masosolusyunan ng pamahalaan ang rice at meat smuggling sa bansa.

(Bryan de Paz/UNTV NEWS)

Tags: , ,