2019 National Budget, nilagdaan na ni Pang. Rodrigo Duterte

by Radyo La Verdad | April 16, 2019 (Tuesday) | 1794

Malacañang, Philippines – Nilagdaan na kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte at isa nang batas ang Republic Act  11260 o ang 3.757 trillion pesos 2019 General Appropriations Act of Fiscal Year 2019.

Gayunman, vineto ng Pangulo ang 95.37 billion pesos na alokasyon para sa mga programa ng Department Of Public Works And Highways O DPWH na hindi naman bahagi ng priority projects ng Duterte administration.

Bukod dito, may ilan ding probisyon ng National Budget na sasailalim sa conditional implementation upang matiyak na sang-ayon ito sa batas at panuntunan.

Kabilang dito ang allowance at benefits para sa mga guro, paglikha ng teaching positions, pagpapatayo ng evacuation centers, funding para foreign-assisted projects, revolving funds, lump-sum appropriations para sa capital outlays, financial assistance sa mga lokal na pamahalaan, foreign service at iba pa.

Walang ginawang ceremonial signing para sa National Budget bagaman una na itong nailagay sa President’s schedule na nilabas ng palasyo para kahapon.

Tags: ,