2019 Midterm elections, generally peaceful – PNP

by Erika Endraca | May 14, 2019 (Tuesday) | 24955

Manila, Philippines – Pinasalamatan ni PNP Chief PGen. Oscar Albayalde ang pamunuan ng pambansang pulisya at ang Armed Forces of the Philippines dahil sa mapayapang halalan.

Ayon kay Gen. Albayalde, wala silang naitalang malaking insidente na makasisira sa kredibilidad ng eleksyon at sa halip ay mga isolated cases lamang sa mindanao.

Wala din aniyang naitalang failure of elections dahil nakaboto na rin ang mga botante sa anim na polling precints sa lanao na nauna nang naireport na may mga sirang vote counting machine.

“Naging 100% yun as of 2pm this afternoon after ng press briefing kanina we call on the regional director kanina at kinonfirm nya na bukas na yung remaining anim don sa lanao “ ani PNP Chief PGen. Oscar Albayalde .

Pahayag pa ni Pnp chief na hindi sila magbaba ng seguridad sa pagbabantay kahit na tapos na ang halalan.

Pinaalalahanan din niya ang mga gun owners na epektibo pa rin ang kanselasyon ng permit to carry firearms outside of residence hanggang June 12.

“The national ang local elections turned out to be generally peaceful nationwide with no reported major untoward incidents that affected the overall turnout of the electoral exercise” ani PNP Chief PGen. Oscar Albayalde

Samantala sa monitoring ng National Election Monitoring and Action Center (NEMAC), nasa 297 na ang naaresto ng Pnp sa vote buying at 3 menor de edad ang na rescue, 986 naman ang naaresto dahil sa paglabag sa liquor ban .

(Lea Ylagan| Untv News)

Tags: , , ,