South Korea at America, nagsasagawa ng joint military exercise

by Radyo La Verdad | March 14, 2016 (Monday) | 1971
USS John C. Stennis(REUTERS)
USS John C. Stennis(REUTERS)

Dumating sa Busan, South Korea ang nuclear–powered aircraft ng Estados Unidos na USS John C. Stennis.

Nagsasagawa ang Seoul at Washington ng joint military drill sa South Korea na nagsimula pa noong March 8.

Nasa labimpitong libong military personnel ang kabilang sa military drill na nilalahukan rin may tatlong daang libong South Korean.

Tinawag ng South Korea ang exercise na pinakamalaking joint military drill sa kasaysayan ng South Korea.

Samantala, pinabulaanan ng South Korea na ang joint military drill ay bilang tugon sa ginawang missile launch ng North Korea kamakailan.

Tags: , ,