2018 nat’l budget at tax reform bill, target maaprubahan ng Kongreso ngayong linggo

by Radyo La Verdad | December 11, 2017 (Monday) | 2635

Sisikapin ng Kamara at Senado na aprubahan ngayong linggo ang three-point-eight trillion pesos na panukalang 2018 national budget bago ang pagsisimula ng isang buwang break na magsisimula sa Miyerkules.

Sinabi ni House Speaker Pantaleon Alvarez na tiwala siyang maaaprubahan ng panukalang budget dahil naresolba na nang  Bicameral Conference Committee ang budget allocation ng mga sangay ng pamahalaan.

Bukod sa national budget, inaasahan rin na maaaprubahan ng dalawang kapulungan ang pagsasama sa tax reform for acceleration ang inclusion o train bill.

Tags: , ,