Umakyat na sa dalawang libo at labing siyam ang nahuling lumalabag sa COMELEC gun ban simula noong Enero a-10.
Sa nasabing bilang, isang libo, siyam na raan at apatnapu’t lima dito ang sibilyan, labing lima ang kawani ng Philippine National Police, anim sa AFP, isa sa BFP, labing anim naman sa elected government officials, dalawampu’t pito ang security guard, dalawa sa CAFGU habang lima sa iba pang Law Enforcement Agency at isa sa Private Armed Group.
Samantala, umabot na sa isang libo, apat na raan at walumpu’t walo ang nakukumpiskang mga armas, mahigit labing pitong libo naman ang deadly weapons, pitumpu’t apat na firearms replicas, limangdaan at siyam na pu’t anim na bladed weapons, isangdaan at labing isa na mga granada, dalawang daan at apatnapu’t tatlong iba pang pampasabog at mahigit labing anim na libong mga bala.
(Lea Ylagan / UNTV Correspondent)
Tags: 000, COMELEC gun ban, mahigit 2