2017 Central Luzon Regional Athletic Association Meet, nagsimula na sa Bulacan

by Radyo La Verdad | February 7, 2017 (Tuesday) | 2434


Mahigit limang libong atleta ang pumarada sa Bulacan Sports Complex sa malolos kaugnay ng pagbubukas ng 2017 Central Luzon Regional Athletic Association (CLARAA) Meet.

Dala-dala ang mga placard ng kanilang kinakatawang probinsya sa Region 3 ipinakita ng mga atleta ang kanilang kasihayan na mapabilang sa prestihiyosong sports event.

Ang mga kalahok ay mula sa Pampanga, Aurora, Tarlac, Nueva Ecija, Bataan, Olongapo at Bulacan.

Tiniyak ng host province na siyang nagkamit ng overall champion noong nakaraang taon na walang magiging prublema sa seguridad ng mga atleta sa lalawigan.

Kabilang sa mga sports event ngayong taon ay ang basketball, volleyball, table tennis, badminton, swimming, track and field at taekwondo.

Tatagal ang CLARAA Meet hanggang sa Biyernes at kung sino ang mananalo rito ay magiging kinatawan ng rehiyon sa Palarong Pambansa na isasagawa sa probinsiya ng Antique.

(Nestor Torres / UNTV Correspondent)

Tags: ,