Nagtapos na kahapon ang apat na linggong 2017 bar examinations ng halos pitong libong mga nagnanais na maging abugado.
Masayang naghintay ang mga kaanak at kaibigan ng bar examinees sa University of Sto. Tomas sa Maynila para sa tradisyunal na “Salubong”.
Naging mapayapa naman ang bar exams ngayong taon ayon sa assessment ng Manila police.
Nasa 6,750 lamang na mga examinee ang nakakumpleto ng pagsusulit matapos na hindi makatapos ang halos limang daang iba pa.
Malalaman ang resulta ng bar exam ngayong taon sa Abril o Mayo sa susunod na taon.
Tags: 2017 Bar Exams, abugado, examinee
The Philippine Broadcast Hub
UNTV, 915 Barangay Philam, EDSA, Quezon City M.M. 1104
Radyo La Verdad © All Rights Reserved 2019
+632 8 442 6254 | Monday – Friday, 8AM – 5PM | info@radyolaverdad.com