Nagtungo sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang ilang empleyado ng National Printing Office upang i-protesta ang pondong ibinigay ng Department of Budget and Management na nagkakahalaga ng 19-million pesos.
Sa pagdinig ng House Committee on Appropriations sa panukalang pondo ng Presidential Communications Office kinuwestiyon naman ng mga mambabatas ang maliit na pondong inilaan sa NPO.
Ayon kay Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate na mangamba ang mga empleyado ng NPO na hindi sumapat ang pondong ibibigay sa kanilang tanggapan upang mapasweldo ang lahat ng mga kawani at tuluyan nang i-abolish ang opisina.
Ipaliwanag naman ni PCOO Secretary Sonny Coloma Jr. kung bakit ito lamang ang inilaan pondo sa NPO.
Ayon naman kay DBM Assist Dir. Gina Brillantes, oras na kulangin ang kita ng npo para sa maintenance at operating expenses maaari silang bigyan ng karagdagang pondo.
Orihinal na hinihiling ng NPO ang pondo na nagkakahalaga ng P133M para sa susunod na taon subalit P19M lamang ang nirekomenda ng DBM.(Grace Casin /UNTV News )
Tags: Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Zarate, DBM Assist Dir. Gina Brillantes