Binigyang diin ng Malacañang na tuloy ang pagsasagawa ng National Elections sa susunod na taon.
Ito ay sa kabila ng pahayag ni COMELEC Chairman Andres Bautista na posibleng maipagpaliban ang halalan dahil sa inilabas na Temporary Restraining Order o TRO ng Supreme Court sa ‘No Bio, No Boto’ ng COMELEC.
Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, nasa interest ng lahat ng partido na maisagawa ang national Elections sa 2016.
Dahil dito aniya, dapat itong ipagpatuloy at hindi ito puwedeng ipagpaliban ayon na din sa isinasaad ng saligang batas.
“It is in the interest of all parties that elections push through.” pahayag ni Lacierda.
(Jerico Albano/UNTV Radio Correspondent)