2015 ‘Balikatan Exercises’ walang kinalaman sa mga itinatayong istruktura ng China sa West PHL Sea – AFP

by dennis | April 8, 2015 (Wednesday) | 4226
Photo credit: UNTV News
Photo credit: UNTV News

Libo libong sundalo mula sa Armed Forces of the Philippines at U.S. Army ang kalahok sa balikatan exercises na magsisimula ika-20 at magtatapos sa ika-30 ngayong Abril.

Isasagawa ito sa iba’t ibang lugar sa bansa kabilang na ang Zambales, na ilang nautical miles lamang ang layo sa West Philippine Sea.

Mas pinalawak pa ang balikatan exercises ngayong taon na nataon naman sa reclamation at pagtatayo ng China ng mga istruktura sa mga pinagaagawang teritoryo.

Ngunit ayon sa AFP, walang kinalaman ang balikatan exercises ngayong taon sa aktibidad ng China sa West Philippine Sea.

Aabot sa 5,023 sundalong Pilipino at 6,656 Amerikanong sundalo ang kalahok sa balikatan exercises. Gagamit ang AFP ng 15 aircrafts at isang barko, ang US ay gagamit naman ng 76 na aircraft at tatlong barko.

Ayon sa AFP, ito ang unang pagkakataon na 76 na aircraft ang ipapadala ng bansang amerika sa balikatan exercises.

Tags: , , , , ,