Mga opisyal ng AMLC, ilang bangko, remittance service, account holders at casino haharap sa martes sa Senado

by Radyo La Verdad | March 14, 2016 (Monday) | 3008

senate logo
Haharap sa Martes ang mga opisyal ng Anti-Money Laundering Council o AMLC kaugnay ng 100 million dollar money laundering na naganap sa bansa.

Bukod sa mga AMLC Official, haharap rin sa hearing ang ilang opisyal ng bangko, remittance service, account holders at casinos.

Inaasahan rin na magsasagawa ng review ang mga mambabatas sa batas ng Anti-Money Laundering.

Isasagawa ang Senate hearing dahil sa hackers na nagawang makuha sa Bangladesh bank ang may 80 million dollars at nailipat sa bangko dito sa Pilipinas.

(UNTV NEWS)

Tags: