METRO MANILA – Nilagdaan ng Pilipinas ang isang kasunduan sa pamahalaan ng Austria kung saan mapapadali ang deployment ng mga professional at skilled Filipino workers papunta sa naturang European nation.
Sa kasalukuyan nasa 200,000 job vacancies ang available sa Austria at inaasahang tataas pa ito sa mga darating na taon.
Ang mga job opportunity ay mula sa iba’t ibang sektor kasama na ang healthcare services, hospitality, construction, tourism, engineering at information technology.
Ang Pilipinas ang unang bansa na nagkaroon ng comprehensive memorandum of understanding sa Austria na sakop ang lahat ng aspeto ng mutual cooperation, partikular na sa recruitment at vocational training.