200- libong pisong financial assistance, naipamahagi na sa 24 na biktimang nasawi sa aksidente sa Carranglan, Nueva Ecija

by Radyo La Verdad | April 24, 2017 (Monday) | 2785


Dalawamput apat na biktimang nasawi sa bus accident sa Carranglan, Nueva Ecija ang naabutan na ng tig-dalawangdaang libong pisong financial assistance ang pamilya.

Anim pa ang hindi nabibigyan habang mayroong 4 na bangkay ang hindi pa rin natutukoy ang pagkakakilanlan.

Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB ito ay mula sa Passenger Accident Management Insurance Agency o PAMI.

Samantala mula naman sa higit 40 sugatang biktima, sa ngayon ay nasa siyam pa lamang ang nabibigyan ng tig-dalawampung libong piso.

Tiniyak naman ngayon ng LTFRB na patuloy ang kanilang pakikipag ugnayan sa PAMI, upang mapabilis ang proseso sa pagbibigay ng tulong pinansyal na dapat na matanggap ng mga biktima ng naturang aksidente.

Bukod sa insurance company, nagkaloob rin si Pangulong Rodrigo Duterte ng tig-20 thousand pesos cash sa pamilya ng mga nasawi at tig-10 thousand pesos naman para sa mga nasugatang biktima.

Plano naman ng LTFRB na idulog sa Office of the President sa pamamagitan ng PCSO, ang iba pang medical assistance na kakailanganin ng mga biktima na patuloy pa ring nagpapagaling sa mga ospital.

Tags: , , ,