20% student discount sa PUV, pasado na sa Kamara

by Radyo La Verdad | February 5, 2019 (Tuesday) | 3827

MANILA, Philippines – Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa sa Kamara ang House Bill 8885, o panukalang magbibigay ng 20% discount sa mga estudyante sa lahat ng pampublikong sasakyan.

Sakop nito ang jeep, bus, tax, tren, tricycle, vehicle for hire, at maging aircraft at marine vessels.

Sa kasalukuyan, ipinatutupad ito sa ilang pampublikong sasakyan sa ilalim ng Memorandum Circular ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Maaaring maka-avail ng discount ang mga estudyanteng Filipino na enrolled sa elementary, secondary, technical and vocational sa mga higher education institution.

Kailangan lamang i-presenta ang identification card (ID) o valid enrollment form, at isang government-issued ID.

Kahit holiday at weekend, mayroon pa ring discount ang mga estudyante.

Samantala, hindi naman nito sakop ang post-graduate students at mga enrolled sa short term courses.

Tags: , , ,