Nakakumpiska ang pinagsanib na pwersa ng Philippine Coast Guard, Philippine Army, PPA at Maritime Police ng dalawampung kalibre kwarentay singko na barilsa pantalan ng Masbate City kaninang umaga.
Ayon kay Philippine Coast Guard Commander Lt.Edgardo Aguilar, nagsasagawa ng random inspection ang mga otoridad ng mapansin ang bagahe na dala ng isang pasahero na puno ng baril.
Nang tanungin ng gwardiya kung anu ang laman ng bagahe sinabi nitong naglalaman ng gamit sa pagkakarpintero ang kaniyang dala.
Sa pamamagitan ng metal detector at K9 unit ng coast guard napagalaman na ang laman nito ay mga baril.
Ang may-ari ng bagahe ay kinilalang si Celso Monleon 59 years old residente ng Borbon, Cebu.
Ayon kay Monleon napagutusan lamang siya para ibiyahe ang mga mga baril.
Nasa kustodiya na ng PNP Masbate City ang suspect at nakatakdang ibiyahe papuntang regional office sa Camp Ola sa Legazpi, Albay
Mas hinigpitan ng PCG ang pagmamantini ng seguridad simula pa ng isailim sa full alert ang PNP at AFP dahil sa nangyaring insidente ng pagsabog ng bomba sa syudad ng Davao.
(Gerry Galicia / UNTV Correspondent)