20 miyembro ng Abu Sayaff Group, namataan sa bayan ng Piagapo, Lanao del Sur

by Radyo La Verdad | November 8, 2017 (Wednesday) | 4243

Mahigpit pa ring tututukan ang seguridad ng Marawi City at buong lalawigan ng Lanao del Sur, ito’y matapos makatanggap ng balita ang mga otoridad hinggil sa mga namataang armadong kalalakihan sa Lanao del Sur.

Dahil dito, hiling ng alkalde na magkaroon ng baril ang kaniyang Barangay Peacekeeping Action Team o BPAT dahil sa kakulangan ng presensiya PNP at sundalo sa kaniyang lugar. Hindi naman sang-ayon ang  ibang alkalde na isyuhan ng baril ang mga BPAT.

Ayon naman kay AFP 1st Infantry Division Commander Brig. Gen. Roseller Murillo, kinakailangang mag-undergo ng training ng Citizen Armed Force Geographical Unit o CAFGU ang mga BPAT bago ma-isyuhan ng baril.

Dagdag pa ni Murillo na kailangan ang kooperasyon ng bawat mamamayan at obligasyon din ng bawat isa na magbantay sa kanilang mga lugar.

Nagkasundo naman ang mga alkalde ng Lanao del Sur na paiigtingin nila ang seguridad sa kani-kanilang mga lugar.

Pabor rin ang mga alkalde na palawigin pa ang martial law kung kinakailangan.

 

( Weng Fernandez / UNTV Correspondent )

 

Tags: , ,