Natupok ng apoy ang dalawampung bahay sa isang squatters area sa barangay Patubig Marilao Bulacan noong Sabado ng alas otso ng gabi.
Ayon kay Jhun Trinidad, mabilis na kumalat ang apoy, mula sa bahay ng kanyang kapitbahay.
Sa takot nito, hindi na nya nagawa pang maisalba pa kanyang mga gamit kundi una nyang iniligtas ang kanyang mga mahal sa buhay, para makaalis sa sunog.
Nagtulong-tulong naman ang mga residente sa lugar, para maapula ang apoy.
Kanyan kanyang bit-bit ang timba, drum ng tubig,para lamang huwag kumalat ang apoy.
May ilang nagawa mailigtas pa ang kanilang mga gamit at kabuhayan.
Nagtulong tulong naman ang mga bumbero, mula sa marilao, bulakan,meycauyan, at sta maria, naging lamang sa mga bumbero ang pagpasok sa lugar dahil dikit-dikit ang mga bahay,
Lumalabas sa imbestigasyon ng BFP, faulty electrical wiring ang nakikita nilang sanhi ng sunog.
Samantala, umakyat sa unang alarma ang sunog, bandang alas otso imedya ng gabi ng maapula ang apoy.
Hindi naman bababa sa mahigit limang daang libo ang natupok ng apoy sa lugar,nasa mahigit tatlumpung pamilya ang apektado subalit wala namang naitalang nasugatan sa nasabing sunog.
(Nestor Torres / UNTV Correspondent)