2 year Probationary period na isinusulong sa Kamara, tinutulan ng ilang Mambabatas

by Erika Endraca | October 22, 2019 (Tuesday) | 27897

METRO MANILA, Philippines – Hindi naging isyu sa mga nakaraang Hearing ng Committee on Labor and Employment ng Kamara ang haba ng probationary period bago gawing regular ang isang manggagawa batay kay Committee Chairperson Enrico Pineda.

Ayon kay Pineda, ang nais umano nilang masulusyunan ay ang contractualization sa paraan na papabor sa mga manggagawa habang hindi masyadong maperwisyo ang mga employers. Maaari rin na magdipende sa klase ng trabaho ang haba ng probationary period ng isang employee.

Sa isang pahayag, sinabi ni Pineda na may ilang mga trabaho na maaaring mangailangan ng mahabang panahon para maipakita ng isang empleyado ang kaniyang kakayahan lalo na sa may mga specialized skills.

Ngunit hindi naman aniya aplikable sa lahat ng uri ng trabaho na paabutin pa ng 2-taon ang probationary period ng isang empleyado lalo na sa service sector.

Samantala, tinutuluan naman ng ilang mambabatas na paabutin pa ng 2-taon ang probationary period ng isang manggagawa. Ayon sa Makabayan Bloc,labag umano ito sa labor code na nasa konstitusyon ng bansa.

Ang probationary period kahit sa ibang bansa ay nasa pagitan lang ng 3 to 6 months anila, kahit sa ibang bansa umano ay nasa tatlo hanggang anim an buwan lamang ang probationary period bago gawing regular ang isang empleyado.

Naglabas din ng pahayag ang senado hinggil sa panukalang 2 years probationary period. Anila, sakaling maipasa man ito sa kamara, maaari nang ikonsidera ang naturang panukala na dead on arrival pagsating sa senado.

Ayon sa article 281 ng Labor Code ng bansa, hindi dapat sosobra sa 6 na buwan ang prpobationary period ng isang manggagawa maliban na lamang kung nakasaad sa isang kasunduan. Bagay na nais sanang amyendahan ng panukala ni Probinsyano Ako Partylist Representative Jose Singson Jr.

Sa ngayon ay mayroon pang 2 Hearings ang Committee on Labor And Employment para pakinggan ang panig ng mga manggagawa at magingang emploer sector bago bumuo ng isang technical working group para sa binubuong security of tenure bill.

Umaasa naman si Pineda na makakalikha sila ng batas na papabor sa parehong sektor ng manggagagawa at mga employers pinakamadaling panahon.

(Vincent Arboleda | UNTV News)

Tags: ,